June 14, 2012

Huwag Kang "Saiko Bitch" o SB (PSYCHO BITCH)



Isang matinding rant para sa mga kababaihang nagpapakatanga, nagpapakahayok at nababaliw sa mga lalake. Unfortunately, "inaway" ako ng ganitong klaseng babae a few days ago. Tinatawag ko silang SAIKO BITCH o PSYCHO BITCH. Nakuha ko ang katawagang ito sa isang kaibigan kong mayroong ex girlfriend na medyo may sayad. Magsilbing aral sana ito sa mga babaeng PATAY NA PATAY at HAYOK na HAYOK sa mga lalake na nawawalan na ng respeto sa sarili. 


Lahat ng sasabihin ko dito ay base sa mga kwento ng kaibigan kong si KUYA. Bago ko sinulat ito, nagusap kami ni Kuya kung pwede kong ilahad ang mga pinagdaanan niya sa kamay ng SAIKO BITCH o SB. Sobrang pribadong tao si Kuya lalong lalo na sa "love life" niya kaya isang malaking bagay noong sinabi niyang "Gusto mo tulungan pa kita eh.." sa pagsusulat nito. Ganyan katindi ang galit niya kay SB. So may GO SIGNAL ako at lahat ng sasabihin ko ay base sa kwento ni Kuya at first hand experience ko. Wow, exciting. 


Ikukwento ko rin sainyo ito kasi dinamay ako ni SB sa katangahan niya. Kung mababasa niyo mga blog entries ko o ang facebook ko, WALA talaga akong pakialam sa buhay ni SB at sa kaibigan niyang isa pang may topak. AS IN WALA. Kitang kita naman siguro na ibang iba ang mundong ginagalawan namin. May mga naririnig rinig akong balita ng insecurity nila at pangbabackstab pero mga bata kasi sila at ayoko talagang patulan. Nakakaawa talaga sila. Magrereact lang ako ngayon kasi napuno na talaga ako at pati ako tinetext ng psycho ex girlfriend. Kung ako lang masusunod, ilalagay ko buong pangalan ni SB at pati picture niya para makita niyo ang mukha ng isang baliw. Pramis, mukha naman siyang normal na tao pero ghulay, mas plastik pa siya sa Orocan. Nakiusap si Kuya na huwag ko na raw lagyan ng pangalan o picture. Grabe, parang high school lang ito Lord. Uso pa ba to?




Teka, eto muna ang storya para makita niyo kung paano ako napuno.


Paano ko nameet si SAIKO BITCH o SB? Simulan natin sa ex boyfriend niya, si KUYA. Meron akong kaibigan since 2005/2006 at hanggang ngayon, magkaibigan pa rin kami. Ngayon, itong si Kuya eh matagal na talaga kaming magkaibigan sa kolehiyo, minsan nagkakausap kami sa chat at minsan sa text.  


Nakakatawa si Kuya, may prinsipyo, hindi manyak, mabait, matalino at matinong kausap. Parehas kaming galing sa Catholic School, parehas kaming taga Maynila--Paranaque- Alabang. Parehas kami halos ng edad, at parehas kami ng mga pinapakinggan at pinapanood na anime noong bata pa kami. Kinanta na namin ang theme song ng BTX, at ang version ni Angelica sa Sailor Moon. Binalikan namin kung paano kami umiyak noong namatay si Nelo at Patrasche. Nadepress din kami noong namatay si Battle Hopper at weird din para sa amin ang Kuko ni Diva sa Zenki. Kilala rin niya si Utada Hikaru at kabisado namin ang iba't ibang kanta nina Donna Cruz at Manilyn Reynes. Matagal din naming pinagisipan ang pangalan ng ikatlong Teddy Bear sa Bananas n Pajamas: si Morgan, si Lulu at si.... Amy! Napagusapan din namin kung may aircon ba sa prayer room nila dati o kung kelan sila pinagsusuot ng Gala kapag may mass noong high school. Nagpayabangan kami na dati mga "Conduct Awardee" kami pero tinatanong namin bakit naging ganito kami noong kolehiyo: buhay rakstar daw: SDA, ako S lang lol. 


Ganyan ang seryosong pinaguusapan namin ni Kuya, minsan hanggang madaling araw. Minsan, naguusap din kami tungkol sa balita at nagtatalo kami kung mas maganda ba ang North Korea kesa sa Pilipinas o ano ba ang ibig sabihin ng "Freedom". Babanatan niya ako ng quote ni Nietzsche, at babanatan ko naman siya ng mga hirit ni Boy Banat o kaya ni Kant o ni Gore Vidal para kunwari deep at magulo. Ganyan. Sa makatuwid, medyo 6 years na kaming nag gagaguhan ni Kuya. 


Marami kaming common friends ni Kuya. Kilala siya ng ex ko at ng boyfriend ko ngayong si Mark. Kilala siya ng mga kaibigan ko, magulang ko at kapatid ko. Sa tagal ba naman naming magkakilala eh. Kilala rin ako ng mga magulang niya at mga kaibigan niya. Marami na rin kaming nashare sa isa't isa na medyo seryoso tulad ng heartaches, goals sa buhay, problema sa pamilya etc. Madalas, mahaba mga kwento niya. Medyo nawala lang ang contact namin ni Kuya ng ilang taon kasi nagkagirlfriend siya, unfortunately, si SAIKO BITCH. 

WALA TALAGANG CONTACT ng 2 years kasi ayokong makipagclose sa lalakeng nagsisimula ng relasyon at tingin ko he really really deserves to be happy at kung babae ang sagot eh di GO. 2 YEARS walang usap. Minemessage nya lang ako kapag may sakit ako. Minsan din tinetext niya ako. Hindi ko pa ata narereplayan lahat. Nalungkot ako kasi si Kuya nalang ang natitira kong koneksyon sa buhay ko sa kolehiyo, ang pinakamasasayang taon ng buhay ko. Hindi ko rin kinocontact yung ex ko noong college ako kasi nga ayokong makialam kapag nagkakaroon na sila ng bagong love life. Ayoko. They deserve to be happy at hindi ako ang ex na naghahabol. ALAM LAHAT YAN NG EX KO. 


 After 2 years, nagkausap kami ulit ni Kuya to "catch up". Parang dati pa rin. Ngayon, nagbreak na sila ni Psycho Bitch, isang buwan na rin ata ang nakalipas pero sabi ni Kuya, nagkakalabuan na daw talaga sila kasi nga sobrang gulo nung babae. 

PAANO KA MASASABIHANG "SAIKO BITCH" (SB) (PSYCHO BITCH) ng ex boypren mo. 


EXAMPLES: 


1. According to SB's high school classmates and the boys from her year group, "malandi" na daw talaga si SB at kahit sino raw eh nilalandi, kahit na yung lalakeng may "kwintas na libag".  Ang quote pa ng mga boys sa kanya noong high school eh "Kung walang wala na talaga, si SB nalang". High school palang, may reputasyon ka na, kaya ba "whore" ang unang pumasok sa isip mong pangkutya?


2. According kay Kuya, noong hindi pa sila, bigla raw binisita ni SB si Kuya sa dorm at doon nakitulog ng 3 araw. Sa kabilang kama pa raw natutulog si Kuya noong dalawang araw ngunit noong ikatlong araw eh tumabi raw si SB kay Kuya at kinuha ang braso ni Kuya, ipinalupot sa kanyang katawan at sinabing "Halikan mo na nga ako!". May boypren si SB noon. O ha.  


3.  Noong a few months old palang sila ni SB "nasira" lang naman ni SB ang laptop ni Kuya kung saan nakalagay BUONG THESIS ni Kuya, walang back up o ano pa man. BUONG THESIS ni Kuya, research na ginawa niya sa Mindanao, nawala lahat. Extended na nga si Kuya, lalong hindi pa nakagraduate. According to Kuya, may hinala daw siyang sinadya ni SB ang pangyayari para maextend si Kuya sa kolehiyo at masamahan ang pasimula palang na si SB. 




4. Acc to Kuya, iniistalk daw ni SB ang ex ni Kuya at ginagamit ni SB Facebook account ni Kuya para burahin lahat ng comments ng ex ni Kuya sa Facebook page ni Kuya. Bad trip din daw si SB kay ex ni Kuya kahit matagal na rin namang magkaibigan si ex at si Kuya.


5. Acc to Kuya, hindi siya tinatantanan ni SB. Tumira pa si SB sa bahay ni Kuya kahit minsan daw eh gusto ng paalisin ni Kuya para may space siya. Sagot pa ni Kuya LAHAT ng expenses sa kolehiyo at sa bahay. Yaman talaga ni Kuya  kaya pala baliw na baliw ang ate mo.

6. Kinuha nanaman ni Psycho Bitch ang laptop ni Kuya at ayaw ibalik.  Hindi tuloy matapos ni Kuya yung bagong ginagawa niyang homework o thesis. Naginsist si Kuya na ibalik ang laptop at pumayag na si SB.  Pero pinagantay niya si Kuya sa harap ng Metropolis ng 2AM-7AM, tapos hindi sinipot. Crazy.


7. Acc to Kuya, noong sila pa ni SB, nakipag one night stand si SB dahil galit daw siya kay Kuya. Nabasa ni Kuya ang mga "after sex" text messages ng ka-one night stand. Wasak na wasak si Kuya.  Kayo na ang humusga.


8. Isang araw, nagmiscall si SB ng 20x or more sa cellphone habang natutulog si Kuya, may combo pang texts. Minuminuto. 20 + times. DIYOS KO PO. 




9. Noong nagbreak sila, nagtethreats si SB na may gagawin daw siyang hindi maganda sakanyang sarili. Josko.


10. According sa mga "girlfriends" ni SB, nagtext daw sakanila si SB pretending to be SB's mother na sinasabi na "naospital" daw si SB and kelangan nila ng pera from her friends. Noong pinuntahan naman daw si SB, ok naman siya at peke and "laslas" sa kanyang pulso. Girl, SCAMMER KA NA NGA sa sarili mong kaibigan, POSER EMO ka pa. A new kind of low.

11. According to Kuya, break na sila pero tinatawagan pa din at tinetext pa din siya kahit na sinabi ni Kuya na layuan na siya. Pumupunta pa ng bahay si SB kahit banned. WOW.  Hindi ako naniniwala pero eto na ha, noong birthday ko, nakigamit si Kuya ng cellphone ko para tawagan si Psycho Bitch kasi pumunta nanaman daw sa bahay ni Kuya kahit na "banned" na siya doon. Galit na galit si Kuya. Ngayon ko lang siya nakitang magalit sa buong buhay ko. Eh nakaloud speaker si SB, so narinig ko.

Kuya: "ANG KULIT MO EH, NANDYAN KA NANAMAN SA BAHAY KO?? BREAK NA NGA TAYO!! TIGILAN MO NA AKO PB."

SB: Nasaan ka? 

Kuya: AYOKO NA NGA SAYO, TAPOS NA TAYO, HINDI MO BA MAINTINDIHAN YON?? WAG MO NA AKONG ITEXT, WAG KA NG TUMAWAG!!! TIGILAN MO NA AKO!

SB: Bakit? Masama bang tumawag? etc. (nangaasar, hinand set ni Kuya)

Kuya: EH ANONG PAKIALAM MO??? WALA NA TAYO. TAPOS NA. PUTANG INA NAMAN. WAG MO AKONG SAGOT SAGUTIN NG GANYAN. BASTOS KA!!!

Marami pa akong gustong isulat pero nako. Mawawalan ng space ang blog ko at problema na ng Psycho ex girlfriend ni Kuya yan. Sana narecord ko usapan niyo kasi nakakaawa si SB na nakakainis kasi sobrang bastos talaga. Tulad ng sabi ni Kuya, nananadya daw. Sobrang desperado. 

SA LAHAT NG MGA BABAE: . PWEDE BA, KUNG HINDI MO NAMAN ASAWA, WAG MONG HABULIN. OR IN GENERAL, BILANG BABAE, MAGKAROON KA NG RESPETO SA SARILI MO AT HUWAG MANGHABOL. NAKAKAHIYA TALAGA. Ngayon lang ako nakaencounter ng babaeng ganyan kadesperado.




Bakit ako napuno?


Una, sobrang binabackstab ako ni SB at nung kaibigan niyang may topak sa mga kaibigan namin. Nakakarating sakin pero di ko pinapatulan. Tinatawag pa akong "whore". Huwaaaw. burn. rawr. Hindi ako mabilis mantawag ng "whore" dahil hindi basta basta ginagamit yan. "Bitch" pwede pa, pero ang "whore" kasi bayarang babae. To Psycho Bitch at sa kaibigan mong may topak din: GRADUATE PO AKO NG UP. NAGTRABAHO AKO. MAY PERA PO AKO. MAY PERA PO PAMILYA KO. HINDI KO PO KELANGAN NG LALAKE PARA BAYARAN GASTUSIN KO. HINDI AKO TULAD MO. Hindi ako tulad mo SB na nagpapabayad sa LAHAT ng expenses ko mygolly. Gusto mo magpirmahan pa tayo ng waiver? Tongenang yan. May ganyanan pa bang dapat mangyari? Hehe. Ilang taon na rin akong nagtatrabaho at since grade 3 ako, nagiipon na ako. Nagtrabaho ako bilang teacher, make up artist, konting pag arte pero di porno, blogger, nagtrabaho sa isang malaking insurance company na maraming bonuses, ganyan. Eh kayo?




Pangalawa, seryosong natakot ako noong nakita kong magalit si Kuya. Kinabahan ako lalo na noong sinabi niyang gusto niyang manapak ng tao. Pabiro ko pa ngang sinabi sakanya na "Please ha, wag ako..". Nakakastress. Nakakatraumang makakita ng nagwawalang lalake lalo na yung nanginginig sa galit at nanununtok ng pader. 


*Magkasama kami ni Kuya noong nangyari lahat ito kasi po sinelebrate ko ang birthday ko sa univesity campus namin with all our friends. Halos isang linggong celebration :)


Pangatlo, lowbat na nga yung cellphone ko kanina at may importanteng tawag akong hinihintay galing kay MARK OROSA UY, BOYFRIEND KO PO,  at sa FEDEX dahil kinurakot ng Customs yung mga vintage dresses ko (!!!)  (More of that later), ang huli kong gustong gumagamit ng baterya ng cellphone ko ay ang mga pagvavibrate ng fone ko dahil sa mga text ni Psycho Bitch ng mga kasinungalingan niya. Ang sabi pa nga ni Kuya eh, "Sus, style niya. Napakasinungaling talaga niyan". Kunwari ginagamit pa ang nanay ni Kuya na may condition para i-contact siya. Nagalit si Kuya at napadrive ng mabilis. Good luck naman sa buhay ko noon. 




Ate, naubos na po ang pasensya ko sayo. Sa daming pangbabackstab mo, sa dami ng mga katangahang sinabi mo noong nakatalikod ako, sa dami ng pang aagrabyado mo, ikaw pa ang galit kapag pinagsabihan ka? Kapag sinagot ka ng tinatawag mong "whore", kapag lumaban na, ikaw pa galit? Sa lahat ng sinabi ko sa tingin mo hindi ka matatawag na baliw? Psycho na nga, bitch pa? Ex mo pa nagsabi noon. Yung napakabait mong ex na nagbayad lahat ng gastusin mo, binigyan ka ng bahay at pamilya tapos sisirain mo lang ang buhay? Sa sobrang galit ng ex mo sayo, gusto pa niya akong tulungang gumawa nito. Ngayon lang ako nakaexperience ng ganitong kabaliw na ex girlfriend na pati mga kaibigan ng ex boyfriend niya eh dinadamay. Lahat nalang ginulo mo. 


Kung hindi mo matanggap na kaibigan pa rin ako ni Kuya at ang ex niya aba, wala na kaming magagawa doon.


Sana matutunan mong rumespeto ng tao, lalong lalo na ng sarili mo bilang babae. Kung ako muramurahin ng lalake ng ganyan at ipagtabuyan ng ginawa ni Kuya, sa tingin ko magegets ko na yun. Hindi na rin aabot sa puntong sabihan niya ako ng "Layuan mo na ako, o PI ka, tigilan mo na ako".  Pero ibang klase ka pa rin at nagtext ka pa rin kinabukasan. Walang kadala dala. Ilang buwan na kayong nag gaganyanan. Nandamay ka pa. Tapos babaligtarin mo ang istorya at sasabihin mong si Kuya pa ang naghahabol sayo? Na kami pa ang umaaway sayo eh tongena birthday na birthday ko, bakit kita papansinin? Kasama naming lahat si Kuya noong birthday ko. Alam naming lahat ang totoo.


Ok. Napakahigh school ng ganitong event. Babalik na ako sa buhay kong puno ng pag asa at ligaya at pangarap. Buti nalang dadating na si Mark next week para matahimik ka na. Ipagpepray over kita, novena, ganyan. Magpapamisa pa ako kung gusto mo.

Psychologist ang nanay ko, kung gusto mo, patingin ka pa sakanya, sagot ko na. 


Credits to my BOYFRIEND MARK FOR ALL THE PICS FROM 9GAG :D
He helped me with this on skype even though he couldn't understand some of the things I said. Such a sweetie :D What does Mark think of Kuya and the situation? Sagot niya:


"Being loyal to someone doesn't mean you can't be nice to others. It's not a crime to hang out with your friends. They're not replacing me. Remember that they were your friends long before you had even met me." 
                                                     -Mark 12:17AM, June 15 on Skype :)






Listening to: Gives You Hell by All American Rejects
             <3: MARK OROSA UY
               =(: Bureau of Customs-corrupt like anything!


4 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...