April 27, 2012

Rant Ba Kamo? May Laman Naman 'To



Sa totoo lang, matagal ko ng gustong gawin 'tong post na 'to. Medyo iniipon ko lang lahat ng gusto kong sabihin. Bakit ngayon ko lang isusulat? Bakit hindi? Eh ang init eh. Medyo pumipitik pitik na ang panahon sa ulo, bumibilis rin ang daloy ng dugo sa utak ko para mas may katuturan ang lumabas. Itong mga sasabihin ko, nasabi ko na mismo sa mga taong dapat paratingan. Pranka naman ako. Mapagpasensya rin ako lalo na sa kaibigan. Kahit abutin kami ng madaling araw, makikinig ako, alam ninyo 'yan. Napagtanto ko na marami rin palang aral akong napulot habang nakikinig sa mga karumaldumal na pagbasag ng buhay, kaluluwa, love life at buhay ng may buhay. Kung matatamaan ka sa sasabihin ko, problema mo na yun. Kung tingin mong ikaw yung sinasabi ko, 'wag kang pa-special, igegeneralize ko 'to so hindi lang isang tao ang tatalakayin ko.

1. Wala talaga akong pakialam kung ano'ng kasarian mo, relihiyon mo, kulay mo, estado mo sa buhay, kung saang bansa o tribo ka galing, may kapansanan o wala, o ano mang trip mo. Basta maayos ang pakitungo mo, tara, magusap tayo. Nakausap ko na mula sa reypist, mamatay tao, assassin hanggang CEO at presidente ng malalaking kumpanya, dating presidente ng bansa, artista at mga "old rich" ng iba't ibang bansa na nakahalubilo ko sa aking paglalakbay. Pare parehas tayong tao. Ang pinakaimportanteng naituro sakin ng nanay ko sa aspetong ito ay huwag ko raw titignan ang estado sa buhay ng kausap ko dahil binigyan daw tayo ng kanya kanyang "role" sa buhay. "He or she was given that "kind of life" or that kind of position in life because she/he has a role and a task to fulfill".

2. Makakarma ka rin. Totoo ang karma at naniniwala ako na babalik sayo lahat ng ginawa mo, mabuti man o hindi, kaya kung puro kagaguhan lang ginawa mo sa ibang tao, aba eh gudlak.

3. Medyo hindi maganda sa panlasa na mukhang patay na patay ka sa boypren mo at pinagsisigawan mo sa bawat status mo. Ok lang naman magpakita ng pagmamahal, ganun din naman ako, pero 'wag naman sobra na halatang halata na SIYA ang BUHAY mo.

4. Iwasan ang pagiging insekyora pwede ba? 'Wag mong asamin na kaya mong tumbasan ang ex nya at kung sino pa mang babaeng dumaan sa buhay nya. Wala kang magagawa kasi tapos na. Kahit bali baliktarin mo ang buhok, kilay at korte ng katawan mo, kelangan mong tanggapin na naging parte ng jowa mo ang ex nya.  Move on at enjoyin mo nalang ang relasyon nyo. Marami akong naririnig na istorya ng mga gf na nang- iistalk sa mga ex ng jowa nila, may EX FACTOR pa rin kung baga. Please lang.

5. Be stronger and grow a vagina. Huwag papaloko sa mga lalakeng magaling magsalita, manuyo at manlambing lalo na pagkatapos kayong tratuhin na parang shit. Sa mga lalake naman, grow a vagina rin, dahil mahina ang balls sa mga makakating babae na magaling manlandi, magpapansin at manloko.

6. Makuntento kung ano'ng meron ka. Marami akong kakilala na mahilig makipagsabayan  sa kung ano anong uso, mamahalin kahit naghihingalo na ang pitaka. 'Yung tipong hindi kumakain para lang makabili ng mamahaling shit. Huwag magtrabaho para bumili ng kung ano ano. Magtrabaho kasi masaya at gusto. Mahilig rin ako sa uso pero pag di na kaya ng pitaka ko, hindi ko talaga pinipilit. Ang pinaka ayokong pakiramdam sa lahat ay 'yung walang wala. Kaya kung meron, eh di salamat po, kung wala, salamat din po.

7. Kung ayaw nya talaga,at paulit ulit na nyang pinamukha sayo, maawa ka sa sarili mo at sa kahihiyan mo at 'wag mong habulin. Ayusin mo buhay mo, paunlarin ang sarili para sila naman ang hahabol sayo. O ha.

8. Pwedeng 'wag lang magtapon kung saan saan? Nakakairita talagang makakita ng mga tamad na kung saan saan lang tinatapon basura nila. Bwiset. Ilagay nyo sa bag, bulsa o ano, 'wag sa daan/high way, sa beach at sa anik anik ng gusali. Caveman ka?? kahit saan pwede??

9. Ayoko sa mga taong duwag. Oo, takot ako sa palaka at horror films pero yung tipong duwag na patalikod tumira, 'yun yung masarap batukan. 'Yung tipong anlakas maglabas ng galit pag hindi kaharap yung monster pero pag anjan na, ngiti pa rin. 'Yung tipong nagkaopen forum/confrontation/meeting na nga para ilabas sama ng loob, WALA pa rin. Oo, marami akong nakakagalit dahil maconfront ako at ma-irap kasi tlagang pinapakita ko pag galit ako. Maikli lang ang buhay para makisama sa mga taong walang kwenta. Stand up for your rights. Stand up for your beliefs. Makisama pero wag papatapak.

10. Huwag kang manira ng buhay ng ibang tao. Huwag tumapak ng buhay ng iba. Gawin mo dapat mong gawin para umangat basta walang matatamaan o masasaktan. Bad yon.

11. Huwag pilitin kung ayaw.

12. Magkaroon ng ambisyon para hindi madaling maloko ng kung sino sino. Bawal nga naman ang tanga sa mga panahon ngayon.

13. Maganda at gwapo ka at hindi mo na kelangang magpapayat, magpataba, magparetoke at mainis sa sarili. Ok lang magmake-up, artistic expression yan para sakin. Ok lang magkulay ng buhok , magpatato basta galing sa puso at hindi dahil uso.

14. Please practice safe sex. Maraming condom dyan sa tabi na iba't ibang flavors. Iwas sa paglaki ng populasyon. Iwas sa kung ano anong sakit.

15. Magdasal minsan at tignan ang sarili kung ayos pa ang ugali.

16. 'Yung mga magulang na sinasanay magIngles ang anak, ayusin ang pagiging bilingual ng mga bata. Ok lang 'yun basta turuan ninyong magFilipino at mahalin ang sariling wika. Nababanas talaga ako sa mga batang Pilipino na hindi marunong magFilipino lalo na 'yung  nakatira na nga sa Pinas, hindi pa marunong. Meron ding iba, hindi man lang alam ang sariling dayalekto ng probinsya nila. 'Wag ganun. Pa-ingles ingles nga, mali mali naman ang grammar at nakakahilo ang accent. Mas okay ang bilingual.

17. Salamat sa nagbasa lahat nito. At sa nagbabasa ng mga gawa ko. Inspirasyon ko kayo. Sa mga nagtitiwala sakin ng mga sikreto, tanong at kung ano ano pa, SALAMAT.

❋ Follow and Subscribe 
Mark's Facebook   Twitter | Millie's Facebook  Twitter Tumblr  Youtube


Listening to : Chop Suey by SOAD
             <3: A Perfect Circle
             =( : hay

13 comments:

  1. Ramdam ko ang galit mo bilang sa Filipino mo ito isinulat.
    Are you OK? Aaaaand, kilala ko ba to? :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, ok naman ako ngayon.Thanks. Kanina medyo hindi. hehehe Don't worry, hindi mo naman kilala yung mga yan pero kung matatamaan sila eh di sila yun hehe :D

      Delete
  2. I like THIS. I really do. SOBRANG DAMA KO RIN.

    Apir.

    ReplyDelete
  3. Malalaman lahat ng sinabi mo, haha! I super like it! Ikalat na 'to sa buong mundo, haha! Pare-post. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naks. Salamat kung sino ka man! bearhug :D

      Delete
  4. Binasa ko talaga ng buo. And imagined your voice ranting in Filipino all throughout. Now that you've let that all out, EXHALE! Haha. :) Mwah :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, thank you Krista! natuwa naman ako.. hehehe ok na ako.. word vommit na talaga to.! Mwaaah! :D

      Delete
  5. Pasok sa banga...galeng mo talaga Millie Morales...apir! um!

    ReplyDelete
  6. Panalo ka, Millie! Panalo ang mga pinagsasabi mo rito. Kudos! ;)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...